Bago tayo magsimula, kelangan muna nating sagutin, Sino ba ang mga Moro?
Ang mga Moro ay ang mga pangkat etniko sa Timog na pinakakilala sa kanilang pagiging Muslim. Binubuo ito ng mga grupong Maranao, Tausug, Badjao at marami pang iba. Nakuha nila ang pangalan nila mula sa mga Espanyol, na may mga nakalaban ding Moro (Moor) sa lupain ng Mauritania (ngayong Morocco) sa Hilagang Africa. Ang mga Moro ng Africa ay Muslim, kaya't ito na rin ang naging tawag nila sa mga Muslim ng Pilipinas.
Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, sila lang ang mga grupo sa Pilipinas (kasama ng mga tribo sa mga kabundukan ng Luzon at Visayas) na hindi nasakop ng mga Espanyol hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Dahil sa pamumuno ng mga pinuno tulad ni Sultan Kudarat, hindi na-convert sa Katolisismo ang mga Moro.
Fast-forward tayo sa panahon ng mga Amerikano. Simula noong 1920s at 30s ay nagsagawa ng malakihang migration sa Mindanao ang mga otoridad para ma-develop ang Mindanao. Libu-libong mga taga-Visayas at Luzon ang dumagsa sa mga kapatagan ng Mindanao para magtayo ng mga homestead o bagong sakahan. Ikinagalit ito ng mga Moro, marami sa kanila ay pinalayas o napilitang ipagbili ang lupain sa mababang halaga. Higit sa lahat ay ang pagpapakalat ng Kristyanismo sa kanilang lupain. Lumaganap ang mga ‘Huramentado’, mga kalalakihang may dalang itak na lumulusob sa mga Kristyanong komunidad at tinataga ang lahat ng makita hanggang sila mismo ay mapatay, mala-suicide bomber lang.
Noong 1950s at 60s ay lumaki ang pag-aasam ng mga Moro na bumuo ng sariling bansa nang lumaya ang mga bansang Muslim na Indonesia at Malaysia. Ang pinaka-tipping point ay ang notorius na Jabidah Massacre, na posibleng isa sa mga pinakaunang instance ng Fake News sa kasaysayan natin, pero mas tatalakayin natin yan sa ibang panahon.
Pumutok ang isyu noong 1969 nang may isang Moro na sundalong napabalitang tumakas mula sa Corregidor, kung saan may isang grupo ng mga sundalong Muslim na binubuo para manggulo sa Sabah, Malaysia, isang teritoryong inaangkin ng Pilipinas. Ayon sa kanya, nang pinili ng gobyerno na hindi na ituloy ang plano, minassacre daw ang mga sundalo. Nagalit ang mga Moro sa ‘pagsasawalang bahala’ ng pamahalaan sa karapatan ng mga Moro. Kaya sa pumumuno ng isang UP professor na si Nursulaji “Nur” Misuari, nabuo ang Moro National Liberation Front. Nakakuha sila ng suporta mula sa mga mayayamang tao sa Malaysia at Indonesia, at maraming miyembro ang nagsanay sa Libya sa ilalim ni Muhammar Qaddafi.
Sa ilalim ng Martial Law ay mas umigting ang labanan, at ang Mindanao ay nahati sa mga balwarte ng MNLF pati na rin ng mga Komunistang NPA (again, sa isa pang episode). Naging battlefield ang Mindanao kung saan maraming paglabag sa karapatang pantao ang naitala sa hanay ng mga rebelde at ng militar. Ang mga Lumad (mga pangkat etniko sa kabundukan ng Mindanao) ay isa sa mga pinaka-naapektuhan kung saan maraming kalalakihan, bata o matanda, ay pinilit isali ng dalawang kampo sa kanilang hanay.
Nagbago ang takbo ng sigalot nang nakipagkasundo ang MNLF sa pamahalaan noong 1990s kung saan pumayag na sumuko ang mga rebelde kapalit ang pagbuo ng isang Autonomous o mapagsariling rehiyon para sa mga Moro, ang ARMM.
Sa kabila nito, natuloy ang away dahil sa mga hindi natupad na pangako sa magkabilag panig at di pagkakasundo na rin sa loob ng hanay ng mga Moro, partikular sa pagitan ng mga Maranao at Tausug. Kaya sa pamumuno ni Hashim Salamat, isang komander sa MNLF, tumiwalag ang grupo niya at bumuo ng Moro Islamic Liberation Front. Ngayon naman, habang pasuko na ang MILF, may nabuo namang grupo sa ilalim ni Umbra Kato, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. At nadagdagan pa ang banta sa kapayapaan nang makisali ang Islamic State at nagpadala ng suporta at tauhan upang ‘tululungan’ ang mga Moro sa Mindanao.
Nauulit lang ng nauulit ang away dahil hindi pa rin nalulutas ang pinaka-problema: feeling mga Moro ay hindi sila parte ng Pilipinas. At yan na mismo ang dapat solusyonan. Kailangan nating matutunang mabuhay ng magkakasama at alisin ang mga masamang kaisipang bunga ng kasaysayang masalimuot. Tanging doon lamang magkakaroon ng kapayapaan.