Images from Wikimedia Commons
Paano nga ba ang mangyayari kung lusubin tayo ng ibang bansa? Una, kailangan nating maintindihan na magastos para sa kahit na sinong bansa ang makipagdigma. Nangyayari ang digmaan kung mas malaki ang makukuha nilang ‘return of investment’ sa pakikipagdigma kaysa pakikipagnegosyo na lang.
Maraming maaaring maging dahilan para lusubin tayo ng ibang
bansa, pero magfocus na lang muna tayo sa kung ano ang mangyayari kung sakaling
mangyari ang wag sanang mangyari.
Una: Kuryente,
Internet/Telepono at Tubig
Sa simula ng deklarasyon ng digmaan, ito ang uunahing subukang puntiryahin ng kalaban. Maaaring sa
pamamagitan ng pambobomba ng mga eroplano o mga espiyang nasa loob na ng bansa, pati
na rin ang cyberattack (mga hacker), ang pinaka-unang gagawin ng isang bansang
lulusob sa atin ay ang guluhin ang ating komunikasyon at kuryente para mas
mahirapan ang ating pamahalaan na labanan sila. Isa rin sa mga epekto nito ay
mawalan ng contact ang mga unit ng militar sa isa’t isa, kaya’t mas mahihirapan
silang labanan ang mga papalapit na kaaway.
Mga ilang minuto pagkatapos ng naunang atake, sunod ay ang pambobomba sa mga eroplano at barko natin habang nasa base pa lang sila upang
hindi na sila magamit para depensahan tayo. Maaaring ito ay sa paggamit ng
missile o bomba galing sa mga eroplano, barko at submarine ng kalaban.
Dahil sa kasalukuyan ay mahina ang ating early warning system at karamihan ng radar ay civilian-owned, isama na diyan ang kawalan natin ng anti-air at anti-ship missiles, mahihirapan tayong protektahan ang mga asset militar natin.
Isa sa
mga rule ng makabagong digmaan: "Kung sino ang nagmamay-ari ng himpapawid ang may
kontrol ng digmaan."
Ikatlo: Amphibious at
Airborne Landing
Kung hindi pa rin tayo sumuko sa mga ginawa nila, sunod ay
ang pagpapadala ng mga sundalo (Special Forces) upang kunin ang mahahalagang pasilidad tulad ng airport at dock na
maaari nilang gamitin upang makapagdala ng mas maraming sundalo sa bansa.
Sa pamamagitan ng Amphibious (galing sa barko gamit ang mga bangka at landing craft) at Airborne (galing sa eroplano gamit ang parachute o helicopter)
na paglusob, kukunin nila ang mga pasilidad tulad ng airport, daungan, mga estasyon ng TV at radyo, atbp. sa iba’t
ibang panig ng bansa.
Ang tatlong step na ito ay maaaring matapos sa loob ng 3 hanggang 12 oras, depende sa bilis ng kalaban.
Ikaapat: Maramihang
Paglusob
Dito na ngayon dadating ang bulto ng pwersa ng kalaban: mga
tangke, helicopter at bata-batalyong mga sundalo. Sa puntong ito ay maaaring
watak-watak na ang mga pwersa natin, at sumuko na rin ang pamahalaang sibilyan o nahuli na ang mga lider. Ang mga hindi pa sumusuko ay nagtatago na
sa kabundukan o lungsod upang labanan ng patago ang mga lumulusob.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--CONCLUSION--
Ang tanong: Kaya ba
natin depensahan ang bansa natin?
Ang sagot: Sa ngayon,
isang malaking HINDI. Masyado kasi tayong nagpokus sa mga rebelyon at umasa
sa United States para depensahan tayo laban sa kung sinumang bansa ang gustong
lumaban sa atin. Ngayon, hindi na maaasahan gaano si US tulad ng nangyari sa
Scarborough Shoal noong 2012. Kaya panahon na para magising tayo sa
katotohanang tayo ang responsable sa bansa natin.