Friday, August 21, 2015

Fix the Problem, Not the Blame

Ang Pinoy ay allergic sa responsibilidad. Ikakatwa niya ang paghawak ng responsibilidad kung walang nakikitang ikabubuti ng kanyang sarili. Pero kapag kitang-kita naman ang premyo sa paggawa ng isang bagay, makikipagpatayan para makuha iyon.

Tingnan na lang natin ag politika. Ah,yes, politics. Mapapansin ang pagdami ng krimen habang papalapit ang eleksyon – nakawan, patayan, at marami pang iba. Bakit? Dahil ba sa gusto nilang pasanin ang responsibilidad ng paglilingkod sa mga mamamayan ng ating bansa? HINDI. Dahil sa Pinas,  pera ang pulitika. Sa Pinas, politics is business, not patritism nor public service.

Bakit kaya? Kasi, short-sighted ang Pinoy. May pakialam lang siya sa nasa harapan niya, lalo kung mabuti ito para sa kanya. Hindi mo masasabihan ang Pinoy na huwag gawin ang isang bagay na makakasama sa kanya hanggat hindi niya ito nakikita ng harapan. At kapag nariyan na nga sa harapan nila, ayan na ang sisihan.

Apatnapu’t apat na miyembro ng Special Action Force, namatay sa ambush. Lahat ay highly-trained, ngunit sa huling sandali ay hindi sila nailigtas ng training nila. Sa pagkamatay ng ika-44 na SAF trooper sa yungib ng Mamasapano, Maguindanao noong umagang iyon ay siya namang pagsisimula ng sisihan. Pero wala man lang ni isang nagtanong: Ano ang dapat gawin sa pagkamatay nila?

Ok, granted na napatay sa isang kahiwalay na operasyon ang nakatakas na teroristang dahilan ng massacre ng SAF44. Pero doon ba tumitigil ang problema? Sa ngayon, tahimik na ang mga kamera. Limot na ang galit na naramdaman. Para sa marami, tapos na ang palabas, naisara na ang chapter na ito sa kasaysayan na paniguradong malilimutan na naman ng sambayanang Pilipino.

Short-sighted ang Pinoy. May pakialam lang siya sa nasa harapan niya. At hanggat hindi nakikita ng Pinoy na ang dapat sugpuin ay hindi ang mga terorista at rebelde kundi ang kondisyon ng lipunan na nanganganak ng mga ito, walang pag-asa ang isang mapayapang Pilipinas.


No comments:

Post a Comment