“Wala nang pag-asa ang Pilipinas”
Iyan ang sabi sa akin ng kausap ko. Ayon sa kanya, palala nang palala ang lagay ng bansa. Ang mga tao, walang disiplina. Ang mga politiko, korap pa rin.
Gusto kong itanong sa kanya, E ano pala ang solusyon diyan?
Bago ko pa maitanong, may sagot na siya. Kelangan lang ng disiplina. Kelangan ng lider na kayang magpatupad ng disiplina sa mga tao. Lumabas ang pangalan ng isang kandidato sa susunod na eleksyon. Matunog ang pangalan, kamay na bakal ag dala niya.
Napailing ako. Tinanong ang opinyon ko. Sinabi ko lang, hindi ako pabor sa kanya, parang si Erap lang ang ganap niyan ‘pag nanalo yan. Bakit? Wala sa kanya ang suporta ng mga diyos ng Makati. Andami niyang gustong baguhin, andami ring masasagasaan. Sagot niya, edi diktador ang kailangan para may magbago.
Pumasok sa usapan si Marcos at ang Martial Law. Nagulat ako sa dami ng taong bilib kay Marcos. The Greatest President daw. Andami daw nagawa para sa bansa. 1 is to 1 daw ang palitan ng piso sa dolyar noong panahon niya. Disiplinado raw ang mga tao noong panahon niya. At higit sa lahat, pinakamayaman daw ang Pilipinas sa Asya noong panahon niya.
Ang nasabi ko lang, we won’t be having this conversation if we’re living in the Marcos era. Bilang historian, kinailangan naming tingnan ang mga pangyayari sa nakaraan base sa maganda at pangit na aspeto nito. In actuality, mukhang maraming nagawa si Marcos dahil iyon ang sinasabi ng media noon, na siya namang kontrolado ng nasabing diktador.
Ang tatay ko ay dating seminarista. Noong lumabas siya ng seminaryo noong early 1980’s, ibang Pilipinas na ang dinatnan niya kaysa sa noong pumasok siya ng nasabing paaralan mid-1970’s: dumami ang mga squatter, at lumaganap ang droga at krimen sa bansa. Naglabasan din ang mga ‘bold’ na pelikula (na may suporta diumano ni Imelda bilang ‘form of art’). Mas marami na ang mga NPA kahit sa siyudad, at tumindi ang laban ng mga Moro sa Mindanao. At siyempre, nariyan ang mga sundalong naka-sibilyan na nakikinig sa mga usapan para matukoy ang mga Komunista.
The truth is, things weren’t so great during Marcos’ time. Oo, mukhang mas disiplinado ang mga tao, pero dahil sa pinaghaharian sila ng takot. Ang nakakalungkot, lumaki ang henerasyon ngayon na hindi alam ang takot: walang giyera o malaking kaguluhan. Mapayapa na ang bansa ngayon. Oo, magulo ang mga Pilipino. Oo, kailangan natin ng disiplina. Pero hindi makukuha ang tunay na disiplina, ang tunay na demokrasya, sa pagpupumilit ng iilan.
Itinuturo ng kasaysayan na ang mga bansang naging pinakamayayaman o pinakamalalakas ay hindi narating ang tuktok sa pamamagitan ng pagpipilit na magpasunod sa mga tao: kabaligtaran ang nangyayari sa mga ito. Ang Soviet Union at mga bansang Komunista ay malalaking halimbawa nito. Muntikan nang maging ganoon ang pangyayari sa ating bansa, kung hindi nangibabaw ang demokrasya.
Hindi perpekto ang bansa natin. Sobrang dami ng kailangang ayusin. Sa kasalukyan ay malayo pa tayo sa masasabing tunay na demokrasya. Ngunit ang proseso nito ay sadyang matagal. Ang Great Britain ay natutunan ito sa loob ng isang libong taon, ang United States naman sa loob ng 200 taon. Ang kailangan lang ay hindi tayo mawalan ng pag-asa, at bantayan ng maigi ang ating pamahalaan upang matupad pinakaaasam-asam nating pag-unlad.
Hindi solusyon ang diktadurya. Ngunit nakakatakot na nakatakda nating ulitin ang madilim na parte ng ating kasaysayan dahil nakalimutan na ng mga tao ang mga aral nito.

No comments:
Post a Comment